Notification

Ang G Suite ay Google Workspace na ngayon: lahat ng kailangan ng negosyo mo para makatapos ng gawain.

Mga user at pahintulot

Pamahalaan ang kontrol sa access para sa iyong mga container.
Kung magbabago ng tungkulin ang isang miyembro ng team na siyang kaisa-isang administrator ng iyong Tag Manager account, puwede kang ma-lock out sa account mo. Planuhin na nang maaga kung ano ang gagawin sa pagmamay-ari ng account kung magbago ng tungkulin ang isang miyembro ng iyong team, at tiyaking may hindi bababa sa dalawang aktibong account ng administrator. Matuto pa.

Binibigyang-daan ka ng Google Tag Manager na maglaan ng access sa iba pang user sa antas ng Account at Container. Ang mga user ay puwedeng bigyan ng kakayahang tingnan o pamahalaan ang iba pang user sa antas ng Account, at puwedeng bigyan ng mga karapatang magbasa, mag-edit, mag-apruba, o mag-publish sa antas ng Container.

Puwede ka lang maglaan ng access sa mga Google account. Posibleng ang mga ito ay mga Gmail account, mga account na pinapamahalaan sa pamamagitan ng mga organisasyong gumagamit ng G Suite, o iba pang account na ginawa sa accounts.google.com.

Magdagdag ng mga user sa isang account

Para magdagdag ng mga user sa isang Tag Manager account:

  1. I-click ang Admin.
  2. Sa column na Account, piliin ang Pamamahala sa User.
  3. I-click angAdd.
  4. Piliin ang Magdagdag ng mga bagong user.
  5. Maglagay ng isa o higit pang email address.
  6. Itakda ang Mga Pahintulot ng Account. Napili ang User bilang default, at nagbibigay-daan ang antas na ito sa user na tingnan ang pangunahing impormasyon ng account. Piliin ang Administrator kung dapat magkaroon ang user ng kakayahang gumawa ng mga bagong container at baguhin ang mga pahintulot ng user para sa mga account at container.
  7. Opsyonal: Itakda ang Mga Pahintulot sa Container para sa bawat container kung saan mo gustong magkaroon ng access ang user.
  8. I-click ang Imbitahan. Makakatanggap ang bawat inimbitahang user ng imbitasyong gamitin ang container.

Mag-edit ng mga user sa isang account

Para mag-edit ng kasalukuyang user sa isang Tag Manager account:

  1. I-click ang Admin.
  2. Sa column na Account, piliin ang Pamamahala sa User.
  3. Pumili ng entry sa listahan ng Mga pahintulot sa account. Magagamit mo ang mga tool sa paghahanap at pag-filter sa itaas ng page para limitahan ang mga resulta.
  4. Baguhin ang mga pahintulot sa account kung kinakailangan.
  5. Para baguhin ang mga indibidwal na pahintulot sa container, i-click ang I-editat piliin ang mga gustong opsyon. I-click ang I-save para magpatuloy.
  6. Kung gusto mong alisin ang user na ito sa access sa kasalukuyang container, i-click ang Alisin.
  7. I-click ang I-save para i-save ang iyong mga pagbabago.

Magdagdag ng mga user sa isang container

Para magdagdag ng mga pahintulot ng user para sa isang partikular na container:

  1. I-click ang Admin.
  2. Sa column na Container, piliin ang Pamamahala sa User.
  3. I-click angAdd.
  4. Piliin ang Magdagdag ng mga bagong user.
  5. Maglagay ng isa o higit pang email address.
  6. Magtalaga ng Mga Pahintulot sa Container.
  7. I-click ang Imbitahan. Makakatanggap ang bawat inimbitahang user ng imbitasyong gamitin ang container.

I-edit ang access ng user sa isang container

Para i-edit ang mga pahintulot ng user para sa isang partikular na container:

  1. I-click ang Admin.
  2. Sa column na Container, piliin ang Pamamahala sa User.
  3. Pumili ng entry sa listahan ng Mga pahintulot sa container.
  4. Baguhin ang email address ng user kung kinakailangan.
  5. Baguhin ang mga pahintulot sa container kung kinakailangan.
  6. Kung gusto mong alisin ang user na ito sa access sa kasalukuyang container, i-click ang Alisin.
  7. I-click ang I-save para i-save ang iyong mga pagbabago.

Mga Imbitasyon

Kung idinagdag ng isang administrator sa Tag Manager ang isang user sa isang Tag Manager account, makakatanggap ang user na iyon ng imbitasyong i-access ang account. Aabisuhan ang user sa pamamagitan ng email, at may lalabas na card ng Mga Imbitasyon sa screen ng Mga Account ng Tag Manager. I-click ang card ng Mga Imbitasyon para tingnan ang listahan ng mga imbitasyon. I-expand ang entry ng isang imbitasyon para tingnan ang mga detalye ng imbitasyon. I-click ang Tanggapin para tanggapin ang imbitasyon, o Tanggihan para kanselahin ang imbitasyon.

Mga pahintulot sa account

Maaaring itakda sa Admin o User ang mga pahintulot sa account sa antas ng account. Puwede mo ring pinuhin ang mga pahintulot para sa mga partikular na container sa talahanayan ng Mga Pahintulot sa Container.

Mga pahintulot sa container

Puwedeng magtalaga ng access sa bawat container. Para sa isang partikular na container, puwedeng italaga sa isang user ang:

  • Walang access: Hindi makikita ng user ang container na nakalista sa account.
  • Magbasa: Makikita ng user ang container na nakalista at puwede niyang i-browse ang mga tag, trigger, at variable sa container, pero hindi siya magkakaroon ng kakayahang gumawa ng anumang pagbabago.
  • Mag-edit: May mga karapatan ang user na gumawa ng mga workspace at mag-edit pero wala siyang karapatang gumawa ng mga bersyon o mag-publish.
  • Mag-apruba: May mga karapatan ang user na gumawa ng mga bersyon, workspace, at mag-edit, pero wala siyang karapatang mag-publish.
  • Mag-publish: Nasa user ang lahat ng karapatang gumawa ng mga bersyon, workspace, mag-edit, at mag-publish.
Tandaan: Itinuturing na "namana" ang isang antas ng pahintulot kung hindi ito direktang natanggap mula sa ibang lugar, gaya ng pangkat ng user o tungkulin sa organisasyon. Itinuturing na "direkta" ang isang pahintulot kung partikular itong itinalaga sa user. Magtutuloy-tuloy ang mga direktang pahintulot kahit na mawala sa user ang isang namanang pahintulot.

Pag-recover ng Google Tag Manager account

Nagpapatupad ang Google Tag Manager ng mahigpit na patakaran laban sa pag-iwas sa mga pahintulot sa produkto. Puwede kang mauwi sa isang sitwasyon kung saan walang tao sa iyong organisasyon ang may access sa Tag Manager dahil hindi ka puwedeng humiling sa aming team ng suporta na magdagdag ng mga user.

Hindi pinapayagan ng Tag Manager na alisin ang lahat ng admin - hahantong sa error ang pagsubok na gawin ito. Gayunpaman, kung isa lang ang admin ng isang Tag Manager account at na-delete sa ibang lugar ang Google user account ng admin na iyon, hindi mapipigilan ng Tag Manager na mawalan ng admin ang account.

Para maiwasang ma-lock out:

  • Mag-configure ng maraming administrator at aktwal na user account sa halip na gumamit ng mga nakabahaging impormasyon sa pag-log in, tingnan ang mga tagubilin sa itaas.
  • Siguraduhing pinapamahalaan ang iyong mga Google account ng isang taong nasa loob ng iyong organisasyon at hindi isang panlabas na ahensya o consultant.
  • Kung ginagamit mo ang Google Marketing Platform: I-link ang iyong Tag Manager account sa organisasyon mo para makakuha ng mga pinahusay na kakayahan sa pamamahala ng user, halimbawa, Pagtingin sa kung sinong mga user ang may access, Pagtatakda ng mga patakaran ng user, at higit pa.

Kung walang admin ang iyong account

Kapag walang admin ang isang account o container, awtomatiko itong made-delete. Ang mga natitirang user na may access sa pagbabasa ay may 30 araw para i-export ang kanilang impormasyon mula sa trash can. Kung walang may access sa pagbabasa sa account, dapat kang magsimula sa umpisa at i-retag ang site.

Para ma-recover ang iyong container sa Tag Manager:

  1. I-export ang container mula sa trash can, tingnan ang Pag-export ng impormasyon mula sa trash can.
  2. I-import ang container sa bagong Google Tag Manager account kung saan may mga pang-admin na karapatan ang mga tao sa iyong organisasyon. Tingnan ang Mag-import ng container.
  3. Tiyaking magtatalaga ka ng sapat na taong may status na admin, gaya ng inirerekomenda sa itaas.

Mga user na pinapamahalaan ng Google Marketing Platform

Available lang ang feature na ito sa Google Tag Manager 360, na kasama sa Google Marketing Platform.

Ang Google Marketing Platform ay may kasamang sentralisadong system ng pamamahala sa user para sa mga Google Analytics, Tag Manager, at Optimize account. Puwede kang magtalaga ng mga pahintulot sa pangkat ng user para sa isang organisasyon at para sa mga indibidwal na account ng produkto sa organisasyon.

Sa Google Marketing Platform, ang mga miyembro ng isang pangkat ng user ay magmamana sa mga pahintulot ng grupong iyon. Para sa mga Google Marketing Platform account na gumagamit ng Google Tag Manager:

  • Mamanahin ng mga user na may pahintulot na Admin sa antas ng account ang pahintulot na Magbasa para sa lahat ng container sa account na iyon, at puwede silang magtalaga ng mga karagdagang pahintulot sa mga sarili nila kung kinakailangan.
  • Hindi magmamana ng anumang pahintulot sa container ang mga user na may pahintulot na User sa antas ng account. Dapat italaga ng Admin ang mga pahintulot para sa bawat container.

Matuto pa

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14937385130565591263
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
102259
false
false